Paglapit ng helicopter ng China sa BFAR aircraft sa Bajo de Masinloc, isa sa pinaka-delikadong insidente ng pambu-bully

Itinuturing ng Pilipinas na isa sa pinakadelikado ang kamakailang insidente ng pambu-bully ng China sa himpapawid.

Ito ay matapos na lapitan ng PLA-Navy Helicopter ang BFAR aircraft na nagsasagawa ng routine maritime domain awareness flight sa bahagi ng Bajo de Masinloc.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS), nasa tatlong metro lang kasi ang pagitan ng helicopter ng China sa BFAR aircraft.

Kaya naman may pwersa aniyang tumutulak pababa sa eroplano ng BFAR at nahirapan ang piloto na ma-stabilize ang eroplano.

Nasa 40 minuto ang itinagal ng pagbuntot ng helicopter ng China.

Pero kahit saglit lang, sapat na raw ito para malagay sa peligro ang buhay ng mga nakasakay sa eroplano.

Facebook Comments