Aviation weather forecasting ng Manila flight information region, mas pagtitibayin sa tulong ng Hong Kong Observatory

Para masiguro ang kaligtasan ng air travel sa tuwing may banta dulot ng masamang panahon nakipagpulong ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga kinatawan ng Hong Kong Observatory (HKO).

Ang HKO ay may kakayahang magbigay ng tugmang datos sa galaw at banta ng masamang panahon at may specialized instruments mula sa aircraft patungong tropical cyclones sa pamamagitan ng Dropsonde technology.

Ito ang magbibigay ulat-panahon at pag-issue ng babala at iba pang weather-related hazards.


Kinikilala ng CAAP at HKO ang kahalagahan ng international cooperation na tutugon sa mga hamon ng tropical cyclones at upang masiguro na handa ang aviation pati ang komunidad sa banta ng masamang panahon.

Facebook Comments