Biyahe ng mga barko patungong Northern Samar, sinuspinde na ng PCG

Sinuspinde na ang biyahe ng mga barko patungong Northern Samar bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Bagyong Paeng.

Ito ay makaraang isailalim sa Signal Number 1 ang Catanduanes, eastern portion ng Albay, eastern portion ng Sorsogon, Eastern Samar, Northern Samar at Samar.

Ayon pa sa Philippine Coast Guard (PCG), bawal na rin ang paglalayag ng mga fishing boat at iba pang maliliit na sasakyang pandagat.


Tiniyak naman ng PCG na nakahanda na ang kanilang mga Deployable Response Groups (DRGs) at patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga lokal na pamahalaan upang agad na makaresponde sa anumang insidente o sakunang magaganap sa kasagsagan ng bagyo.

Facebook Comments