
Hindi muna iniuugnay ng Malacañang ang presensya ng dalawang Chinese military hydrographic survey vessels nong September 11 sa West Philippine Sea (WPS) sa mga naging pahayag ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro tungkol sa soberanya ng Pilipinas.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala pang sapat na impormasyon para matukoy kung may kaugnayan ang dalawang insidente.
Kasabay nito, iginiit ng Palasyo na naaayon sa batas ang mga pahayag ni Teodoro at nakatuon sa pagtatanggol sa karapatan at interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Maglalabas ang pamahalaan ng karagdagang impormasyon kapag nakumpleto na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang beripikasyon.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12065, kailangan ng pahintulot ng Pilipinas para sa ilang hydrographic at oceanographic survey ng mga dayuhang barko sa archipelagic sea lanes.










