Sunday, September 20, 2026

Ilang tanggapan sa Malacañang, nagpatupad ng WFH kasabay ng anibersaryo ng Martial Law; seguridad, hinigpitan

Nagpatupad ng work-from-home ngayong araw, Setyembre 21, ang ilang tanggapan sa Malacañang kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng Martial Law.

Kabilang sa mga tanggapang hindi muna magbubukas ang Presidential Communications Office (PCO) at Office of the Cabinet Secretary.

Ayon sa PCO, maghihigpit din sa access sa mga kalsada at gate patungo sa Palasyo bilang bahagi ng heightened security measures.

Alinsunod ito sa standard operating procedures ng Malacañang tuwing nakataas ang security alert.

Kaugnay ito ng inaasahang malawakang kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa Metro Manila.

Wala ring isasagawang press briefing si PCO Usec. Atty. Claire Castro.

Inaasahang magtitipon-tipon sa Mendiola dakong alas-kuwatro ng hapon ang mga raliyista mula sa iba’t ibang protest site para sa isang malaking demonstrasyon.

Facebook Comments