Friday, May 1, 2026

150K trabaho, binuksan sa Labor Day job fairs sa buong bansa

Binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malawakang job fair sa buong bansa ngayong Labor Day kung saan mahigit 150,000 bakanteng trabaho para sa mga Pilipino.

Isinasagawa ang job fairs sa 94 na lugar sa buong bansa at tatagal hanggang katapusan ng Mayo.

Ipinagmalaki rin ng pangulo ang pagdami ng pamumuhunan sa bansa, na umabot sa halos ₱2 trilyon noong nakaraang taon, na inaasahang lilikha ng dagdag na trabaho.

Ayon pa sa pangulo, mula Hulyo 2022 hanggang Pebrero 2026, higit 6,600 job fairs na ang naisagawa ng pamahalaan, na nakatulong sa mahigit 1.5 milyong job seekers.

Sa bilang na ito, higit 250,000 ang agad na natanggap o “hired on the spot.”

Sa pinakahuling tala, umabot na sa halos 50 milyon ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho sa bansa.

Facebook Comments