Tinalakay ng mga pangulo ng iba’t ibang samahan ng magsasaka sa Bayambang ang mahahalagang isyu at update sa sektor ng agrikultura sa ginanap na buwanang pagpupulong sa bayan.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang updates sa Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP), paghahanda para sa pagtatanim ng palay sa Wet Season 2026, Ang hauling ng palay seeds at ang kasalukuyang harvest report sa produksyon ng mais.
Napag-usapan rin ang inventory ng mga farm machineries sa bayan pati na ang kinahaharap na suliranin ng mga magsasaka ukol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina nay may epekto pagdating sa gastusin sa kanilang produksyon.
Pinangunahan ng alkalde ng bayan katuwang ang Municipal Agriculture Office, ang naturang pagtitipon.
Ayon sa lokal na Pamahalaan, layuning tugunan, suportahan, at pagtibayin ang kanilang koordinasyon sa mga magsasaka para sa pagpapaunlad ng agrikultura sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








