
Nagpaalala ang Dagupan City Police Office sa inaasahang dagsa ng tao sa Bangus Festival 2026, partikular sa Kalutan ed Dalan sa bukas hinggil sa kaligtasan ng kanilang mga gamit lalo na ang cellphone.
Babala ng pulisya, target umano ng mga kawatan ang mga abalang manonood, kaya’t pinayuhan ang publiko na hawakang mabuti ang kanilang mga cellphone habang kumukuha ng litrato o video ng kaganapan sa gitna ng siksikan.
Inirerekomenda rin ang paggamit ng phone strap o lanyard upang maiwasan ang aksidenteng pagkahulog o posibleng pagnanakaw.
Samantala, nakatakda ring ideploy ang police personnel sa strategic areas sa kahabaan ng New De Venecia Highway para mapanatili ang kaligtasan ng mga dadalo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










