Wednesday, April 29, 2026

Humingi ng karagdagang paliwanag si PBBM mula sa mga kinatawan ng France at Czech Republic kaugnay sa naging paglaya ni Co

Sa isang pulong sa Malacañang, ipinaabot ng pangulo ang kanyang pagkadismaya sa naging takbo ng proseso matapos makawala si Co mula sa kustodiya ng Czech authorities at manatiling malaya sa Europa, sa kabila ng naunang hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas para siya ay maibalik sa bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office, layunin ng pangulo na linawin kung paano nangyari ang paglaya at kung ano ang naging batayan ng desisyon ng mga awtoridad ng Czech Republic.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng Palasyo na nananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas sa France at Czech Republic, na nakabatay sa respeto sa rule of law at umiiral na internasyonal na proseso.

Umaasa rin ang pangulo sa patuloy na kooperasyon ng mga nasabing bansa sa mga usaping pulisya, legal, at hudisyal upang matiyak ang posibleng pagbabalik ni Co sa Pilipinas at pagharap nito sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments