
Patuloy na aasa si House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima at ang kinaaniban nyang Liberal Party na magbabago pa ang pasya ni dating Vice President at ngayon ay Naga Mayor Leni Robredo na huwag tumakbo sa pagkapangulo at iba pang national position sa 2028 elections.
Ayon kay De Lima, hindi pa nila ito napag-uusapan sa LP pero sigurado syang lahat sila umaasa na magbabago pa ang desisyon ni Robredo lalo pa kung taumbayan na ang mismong nananawagan para pamunuan niya ang ating bansa.
Diin ni De Lima, nakikita nila na si Robredo ang ang best hope o pag-asa ng ating bansa.
Binanggit din ni De Lima na bilang kapwa Bicolana, ay hanga sya at nagpapasalamat sa dedikasyon at pagiging totoo ni dating VP Leni sa paninindigan na tutukan ang panglilingkod sa Naga.










