Brigada Eskwela, ilulunsad ng DepEd bukas

Photo Courtesy: DepEd Philippines

Aarangkada na bukas, August 1, ang “2022 National Brigada Eskwela” ng Department of Education (DepEd).

Ang Brigada Eskwela ay taunang aktibidad ng DepEd kung saan nagtutulong-tulong ang mga guro at non-teaching personnel sa paghahanda sa mga pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase gayundin ang pagpapalakas ng partnership ng ahensya sa mga stakeholder.

Pangungunahan ngayong taon ng Schools Division Office of Imus City at ng Imus Pilot Elementary School ang kick off ng Brigada Eskwela.


Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 34, ilulunsad ang Brigada Eskwela hanggang sa August 26 kasabay ng “Oplan Balik Eskwela” na magsisimula naman sa August 15.

Magtatapos naman ang enrollment period sa August 22 kasabay ng opisyal na pagbubukas ng School Year 2022-2023.

Batay sa pinakahuling datos ng DepEd, umabot na sa siyam na milyon ang bilang ng mga nakapag-enrol sa loob lamang ng apat na araw.

Facebook Comments