Operasyon ng LRT-2, nilimitahan matapos magkaaberya!

46

Pansamantalang nagpatupad ng provisionary service ang LRT Line 2 ngayong umaga, July 31, makaraang magkaaberya ang catenary wire sa pagitan ng Legarda at Pureza Station sa eastbound lane.

Ang catenary wire ay ang linyang nagsusuplay ng kuryente sa mga tren ng LRT.

Dahil dito, limitado muna ang operasyon ng mga tren mula Cubao hanggang Antipolo Station at pabalik.


Nagpadala na ng engineering at maintenance team sa lugar para agad na maaayos ang sira.

HUmingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-2 at tiniyak na agad ibabalik ang biyahe sa ibang istasyon oras na matapos ang pagkukumpuni.

Facebook Comments