BROADCASTER SA CAGAYAN, DINAKIP NG MGA OTORIDAD

27
Cauayan City, Isabela – Arestado ang isang kasapi ng media dahil sa kinakaharap nitong kaso sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ang naaresto na si Edgardo Libunao, 64 taong gulang, isang mamamahayag at residente ng Brgy. Paradise, Gonzaga, Cagayan.

Dinakip si Libunao sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni hukom Neljoe Asuncion Cortes ng RTC Branch 6, Aparri, Cagayan para sa dalawang kasong Libel sa ilalim ng RA 10175 na naitala sa Criminal Case No. II-16380 at II-16381 na may petsang July 14, 2022.

Pansamantalang makakalaya si Libunao kung makakapagpiyansa ng halagang tig P60,000.

Facebook Comments