Buhawi, nanalasa sa isang paaralan at ilang bahay sa Zamboanga del Sur

Nasira ang isang paaralan at ilang bahay sa bayan ng kumalarang sa Zamboanga Del Sur matapos daanan ng isang buhawi.

 

Bukod sa paaralan, may ilang bahay rin na nasira sa buhawi.

 

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) Action Officer Henry Hadcan, natuklap ang bubong sa paaralan ng Brgy. Lantawan habang walong bahay rin ang nasira sa Barangay Buyugan West at Salagmanok sa naturang bayan.


 

Dahil sa pangyayari natumba ang ilang malalaking puno at nawalan ng kuryente ang buong bayan.

 

Ayon naman sa lokal na pamahalaan, patuloy pa ang kanilang assessment sa insidente.

 

Inaalam rin kung ilan ang lahat ng nadamay na bahay at kung may mga nasaktan sa insidente

Facebook Comments