
Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang special non-working day ang June 24 sa Lungsod ng Maynila.
Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-455 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.
Ayon sa Palasyo, layunin nitong bigyang pagkakataon ang mga residente ng Maynila na lumahok at makiisa sa mga programa at aktibidad para sa Araw ng Maynila.
Kasabay nito, nakatakda namang magbigay ng State of the City Address si Manila Mayor Isko Moreno sa Quirino Grandstand.
Nauna nang idineklara ng Palasyo na holiday din sa lungsod ng San Juan sa kaparehong araw bilang pagdiriwang naman ng Wattah Wattah Festival sa kapistahan ni San Juan Bautista.
Facebook Comments










