Bureau of Immigration, pinagsusumite ng report ng mga idineport na POGO workers

Oobligahin ni Senator Sherwin Gatchalian ang Bureau of Immigration (BI) na magsumite ng report sa Senado tungkol sa mga idine-deport na mga dayuhan na dating nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Tungkol ito sa posibleng pagtakas ng tatlo sa mga POGO bosses matapos na payagan ng BI na sila ang bumili ng ticket sa eroplano dahil wala umanong budget ang ahensiya para sa deportation.

Ayon kay Gatchalian, sa susunod na linggo niya balak maghain ng resolusyon para maobliga ang BI na magsumite ng report tungkol sa mga POGO deportees.

Ipinunto ng senador na mahalagang maging transparent ang BI sa lahat ng kanilang mga deportees at gawing mandato ang pagbibigay ng report sa mga deportation activities.

Dapat aniyang magsilbing “eye-opener” ang pinakahuling insidente na pati ang deportation proceedings ay nagkakaroon ng problema o namamanipula pa rin ng mga taga POGO.

Facebook Comments