
Iginiit ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang pangangailangan na higpitan ang pagpatutupad ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Law para tuluyang masawata ang patuloy na pagpupuslit sa bansa ng mga produktong agrikultural.
Sinabi ito ni Lee makaraang masabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs at Department of Agriculture (DA) sa Port of Manila ang ₱202 million na halaga ng smuggled frozen mackerel mula sa China.
Nakababahala para kay Lee na patuloy pa rin ang smuggling sa bansa kahit may naipasa ng batas na nagpapabigat ng parusa laban sa mga agri smugglers, hoarders, price manipulators, at kartel.
Ayon kay Lee, dapat higpitan ang implementasyon ng batas para maproteksyunan ang kabuhayan ng mga local food producers at makamit ang seguridad sa pagkain ng bansa.