Bus-on-Fire!!!

12
Isang Bus ang bigla na lamang nagliyab habang tinatahak nito ang daan papunta sana sa talyer-paayusan.
Naganap ang insidente kahapon bandang alas 3 ng habang.
Ayon sa pahayag ng driver, papunta na sana siya sa talyer para ma-check up ang nasabing bus subalit may narinig siyang sumabog sa likurang bahagi nito. Dali-dali niyang itinabi ang sasakyan na umuusok na. Humingi pa siya ng tulong sa malapit na tindahan para masabuyan ng tubig ang umuusok na parte ng bus, subalit nagsimula na itong magliyab.
Umaabot ng kinse minutos bago dumating ang nagrespondeng fire trucks; sa kasamaang palad, tupok na ang malaking bahagi ng sasakyan bago pa man ito naactionan ng mga fire fighters.
Walang pasahero ang nasabing bus; driver at kasama lamang nito ang lulan nang maganap ang insidente. Ligtas naman silang nakalayo sa bus bago pa ito nagliyad ng todo.
video credit to Mam Thess Santos of Naga City

Facebook Comments