Thursday, November 19, 2026

Modernong teknolohiya at mga robot, tampok sa APEC Media Center sa China

Parang nasa isang futuristic movie ang mga mamamahayag na nagko-cover sa APEC Summit sa Shenzhen, China, dahil sa makabagong teknolohiyang makikita sa media center.

Kabilang dito ang mga robot na naghahanda at nagsisilbi ng kape at ice cream para sa mga bisita at mamamahayag.

Mayroon ding massage facilities para sa mga gustong magpahinga, habang tampok din ang artificial intelligence (AI) at extended reality o XR technology sa virtual studio na ginagamit sa paggawa ng mga presentasyon at ulat.

Hindi rin mawawala ang mga robot na tumutulong sa paglilinis at iba pang automated na gawain sa loob ng pasilidad.

Bukod sa robotics at artificial intelligence, mayroon ding Green Energy Station kung saan maaaring umupa ng portable power bank na sinisingil gamit ang green electricity o kuryenteng mula sa malinis na pinagkukunan ng enerhiya.

Ipinakikita ng modernong media center kung paano nagagamit ang makabagong teknolohiya upang mapadali ang trabaho at mapahusay ang karanasan ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Facebook Comments