Sa ginanap na aktibidad na may temang, “Nagkakaisang Pamilya at Pamayanan Laban sa Ilegal na Droga Para sa Ligtas at Malusog na Kinabukasan,” tatlong local government units ang nakilahok kabilang ang Dagupan City, Mangaldan, at San Fabian kung saan sabayang pumadyak bilang bahagi ng kampanya na mawakasan ang paglaganap ng ilegal na droga.
Isa sa mga nakilahok ay ang 86 anyos na si Lolo Raymundo Ramos. Sa kabila ng edad, hindi umano ito naging hadlang upang makibahagi at mangapanya kontra ilegal na droga.
Dumalo naman sa ginanap na awarding ang mga katuwang na ahensya at nagpahayag ng kanilang patuloy na suporta sa aktibidad.
Ayon kay Dangerous Drugs Board Undersecretary Armando Ramolete, hindi tumitigil ang tanggapan sa mga programang makatutulong upang tuluyang pigilan ang paglaganap ng ilegal na droga.
Samantala, walang pasasalamat naman ang ipinahayag ni Medical Center Chief II Dr. Rosalina Caoile sa lahat ng sumuporta sa nasabing programa.
Aniya, patuloy nilang sisikapin palawakin pa ang aktibidad upang maiparating ang kahalagahan ng gabay at pag-iwas sa epektong posibleng idulot ng ilegal na droga lalo na sa mga kabataan.
Samantala, kabilang sa mga nakilahok sa nasabing aktibidad ang DOH Ilocos Region, Dangerous Drugs Board, Bjmp Dagupan CityJail MaleDormitory, IFM Dagupan, Deped Dagupan City Division, Wheel Riders at iba pang ahensya at organisasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








