Business As Usual: Tagumpay ng A1 Protein business, alamin

“Turn your passion into a profitable business.”

Ito mantra ng 24-anyos na si Justine Kent Faustino sa sinimulan niyang negosyo noong September 1, 2021.

Isang registered pharmacist at fitness enthusiast ang business owner ng A1 Protein.


Kwento ni Justine sa DZXL Business As Usual, nagsimula talaga siya sa wala at dumaan sa butas ng karayom.

Ayon sa kanya, taong 2020 sa kasagsagan ng pandemya, nagsimula siyang magtinda ng alcohol hanggang sa makaipon at itinuloy ang kanyang passion.

Tulad ng ibang negosyo, pangarap ni Justine na makilala ang kanyang produkto na pinakamasarap at pinaka-affordable na whey protein sa bansa.

Nito nga lamang July 2022, kinilala bilang “Trusted Local Whey Protein Brand for National” ng Best Choice Award 2022 ang A1 protien.

Sa mga interesado at gustong magpaka-fit pwedeng um-order ng A1 Protein product sa Shopee at Lazada gayundin sa Facebook.

Facebook Comments