
Nagpatupad na ng forced evacuation ang Quezon City Government sa ilang mga lugar sa nasabing lungsod na bahain dahil pa rin sa epekto ng Habagat.
Kabilang dito ang mga lugar sa District 1, partikular na sa Brgy. Del Monte, Talayan, Ramon Magsaysay at Brgy. Toro.
Sa district 3 naman ang Brgy. Bagumbayan, District 4 sa Brgy. Kamuning at Obrero.
Habang sa District 5 ang brgy. North Fairview at sa District 6 ang brgy. Cullat, Pasong Tamo at Apolonio Samson.
Habang nagsasagawa na rin ng preemptive evacuation sa ilan pang mga barangay sa QC.
Samantala, nasa 868 familya o 2,575 naman na indibidwal ang namamalagi sa mga 28 evacuation centers sa lungsod as of 3pm.
Facebook Comments










