
Walang nakikitang problema ang Malacanang sa umiiral na patakaran sa paggamit ng confidential at intelligence funds o CIF.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, malinaw ang mga panuntunan sa Joint Memorandum Circular 2015-01 at dapat lamang itong sundin ng mga gumagamit ng pondo.
Ito ang tugon ng Palasyo sa planong pag-amyenda ng Commission on Audit (COA) sa rules ng CIF, kasunod ng mga isyung lumitaw sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sabi ni Castro, hindi ang patakaran ang problema kundi ang taong gumagamit ng pondo.
Maaari aniyang mapaikot ang rules kung may sadyang gustong manloko o lumabag sa itinakdang proseso.
Kabilang ang Office of the President sa mga tanggapang tumatanggap ng CIF mula sa national budget.
Facebook Comments










