
Itinaas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang status nito sa Red Alert dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Moonsoon ng Hanging Habagat sa ilang parte ng Luzon at Visayas.
Tiniyak naman ni Asst. Secretary Irene Dumlao of the DSWD’s Disaster Response Management Group (DRMG) sa public na patuloy ang paghahanda ng ahensya sa posibleng epekto pa ng tuluy-tuloy na paguulan at pagbabaha.
Kaugnay nito, nasa 3.4 million family food packs (FFPs) na ang nakaprepositiones sa ibat-ibang mga warehouses at lokasyon sa bansa.
Habang meron namang nakalaang mahigit 558 million pesos na Quick Response Fund para magbigay support sa mga disaster response operations.
Patuloy rin ang pakikipagugnayan ng DSWD sa mga lokal na pamahaalan na apektado ng pagbabaha.










