
Naghahatid ngayong araw ang RMN katuwang ang Quezon City Health Department ng malawakang libreng medical service sa Trade Hall, Robinsons Novaliches para sa pagdiriwang natin ngayon ng 74th Anniversary.
Makikinabang ang ating mga dadalong kababayan sa iba’t ibang serbisyong pangkalusugan gaya ng pangkalahatang medical consultation, kabilang ang pagsusuri sa vital signs at health risk assessment ng bawat pasyente.
Sa panayam kay Nanay Marilou, isang 79 years old, at ibinahagi niya sa atin kung papaano makakatulong ang ganitong klaseng serbisyo sa mga gaya niyang senior citizen.
Nagsasagawa rin ngayon ng libreng mga laboratory test tulad ng Random Blood Sugar at Cholesterol testing.
Gayundin ang Chronic Kidney Disease Screening, pati na rin ang HPV self-test para sa cervical cancer detection sa mga kababaihang edad 30 hanggang 65.
Magkakaloob din katuwang ang Quezon City Health Department ng mga serbisyo para sa family planning, counseling, at bloodletting program.
Habang mayroon ding inilaang PhilHealth encoding para sa mga benepisyaryo.
Bukod pa rito, may libreng gupit din bilang bahagi ng kabuuang lingap-kalusugan at serbisyo-publiko ng RMN para sa ating mga kababayan.










