Saturday, August 29, 2026

Manila LGU hospitals, isinailalim sa Code White Alert sa gitna ng patuloy na buhos ng ulan

Inilagay na sa Code White ang lahat ng mga ospital na pinamamahalaan ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila sa gitna ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon sa Manila Public Information Office, batay ito sa report ni Manila OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso.

Ang Code White Alert ay nangangahulugan na lahat ng medical personnel, emergency response teams, at operations centers sa nabanggit na mga ospital ay naka-standby 24/7 para matiyak ang agarang pagtugon sa anumang emergency situation.

Kabilang dito ang Gat Andres Bonifacio Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Mayor Ramon Bagatsing General Hospital na dating Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila Medical Center at Sta. Ana Hospital.

Samantala, nagsagawa naman ng Libreng Sakay ang mga tauhan ng Manila Police District – Plaza Miranda Police Community Precinct upang matulungan ang mga mananakay na apektado ng masamang lagay ng panahon.

Facebook Comments