Friday, September 27, 2024

Bilang Ng Mga Namatay Sa Avalanche Sa Afghanistan, Umabot Na Sa 104

Pumalo na sa 104 ang patay sa avalanche sa Afghanistan. Bunsod na rin ito ng ilang araw nang pagbuhos ng snow sa nasabing bansa.

Resulta Ng Imbestigasyon Ng Napolcom Sa Dalawang Narco-Generals Na Pinangalanan Ni Pangulong Duterte, Hawak...

Hawak na ng Office of the President ang resulta ng imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa dalawa sa tatlong police general na pinangalanan ni pangulong rodrigo duterte na sangkot sa illegal drug operatioons. Ito ang kinumpirma ni Rogelio Casurao, Vice Chairman ng NAPOLCOM, matapos na maisumite sa Pangulo.

Memorial Service Sa Korean National Na Si Jee Ick Joo, Sinimulan Na

Sinimulan na ang memorial service para sa Korean businessman na si Jee Ick Joo sa Philippine National Police (PNP) Multi-Purpose Center sa Kampo Crame. Ito ay dinaluhan ng mga opisyal ng Korean embassy at ilang Korean nationals

Ndf, Pumalag Sa Pagtawag Na “Terorista” Ni Pangulong Duterte Sa Kanilang Grupo

Pumalag ang NDFP o National Democratic Front of the Philippines sa bansag na "terorista" sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Fidel Agcaoili, Chief Negotiator ng NDFP Peace Panel, hindi naman naghahasik ng lagim ang NPA o New People's Army hindi tulad ng ginagawa ng Abu Sayyaf at Maute Group.

Muling Pagbuo Ng Usapang Pangkapayapaan Sa Pagitan Ng Cpp-Npa-Ndf At Gobyerno, Ipinasa Na Ni...

Ipinasa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbuo ng peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF at gobyerno sa susunod na administrasyon. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos nitong tuldukan at isara ang pintuan ng negotiating table para sa peace talks.

Oplan Tokhang, Tuluyan Ng Pinababasura Ni Senator Hontiveros

Iginiit ngayon ni Senator Risa Hontiveros na dapat ng ibasura at palitan ng ibang istratehiya ang oplan tokhang na programa ng Philippine National Police laban sa mga sangkot sa iligal na droga. Mungkahi ni Hontiveros, sa halip na oplan tokhang ay dapat magpatupad na lang ang gobyerno ng Barangay Health and Rehabilitation Strategy at iyan ay nakapaloob sa inihain niyang Senate bill 1313.

Mga Gabinete Mula Sa Makakaliwang Grupo, Pinagbibitiw Sa Pwesto

Hinamon ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang mga miyembro ng Gabinete mula sa makakaliwang grupo na isipin na ngayon kung dapat pa ba silang manatili sa pwesto matapos na kanselahin ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF. Katuwiran ni Villarin, nominated ng CPP-NDF ang mga makakaliwa sa Gabinete kaya nakapasok ang mga ito sa gobyerno.

Cbcp Pastoral Letter Kaugnay Sa War On Drugs Ng Gobyerno, Itinuturing Na Wake Up...

Ipinagtanggol ni Senador Liela De Lima Pastoral Letter ng Catholic Bishops Conference Committee o CBCP kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration na binasa sa mga isinagawang Banal na Misa. Umaasa si De Lima na ang nasabing Pastoral Letter ay magsisilbing wake up call sa aniya'y bangungot na dinaranas ng ating bansa dahil sa patayan at kawalan ng puso ng pamahalaan sa mga mahihirap na biktima ng tokhang.

Ofws Sa Saudi-Yemen Border, Nabubulabog Sa Patuloy Na Bakbakan Doon

Kinumpirma sa DZXL RMN NEWS ng isang Filipino Community leader sa Najran, Saudi Arabia ang patuloy na palitan ng mortar sa pagitan ng Saudi Forces at Houthi rebels ng Yemen. Anila, nababahala na naman sila lalo na't kamakalawa ay may nakalusot na dalawang bomba sa city proper at may tinamaang tindahan ng medical supplies.

Sunog Sa Factory Sa Cavite, Pinasisiyasat Sa Kamara

Matapos ang sunog sa House Technology Industries building sa loob ng Cavite Export Processing Zone , pinasisiyasat ng Gabriela Partylist sa House Committee on Labor and Employment ang naturang insidente. Sa house resolution 747, binigyang diin ng Gabriela Partylist na mahalagang malaman kung sumunod sa occupational and health standards ang HTI.

TRENDING NATIONWIDE