Certificate of Canvass at Election Returns, dumating na sa Kamara

51

Dumating na kaninang madaling araw ang mga Certificate of Canvass (Coc) at Election Returns (ER) sa batasang pambansa sa Quezon City.

Nasa 19 na military truck ang naghatid ng mga COC at E.R mula sa senado.

Lulan nito ang 167 na COC ballots boxes at 441 na Election Return ballots boxes at umalis alas-kwatro kaninang madaling araw.


Nakarating naman ito sa Kamara nang wala pang isang oras.

Sa ilalim ng konstitusyon ang kongreso ang magka-canvass ng mga boto sa pagka-presidente at bise presidente at sila rin ang magpo-proklama ng mga nanalong kandidato.

Facebook Comments