COMELEC, handa na sa gagawing special elections bukas sa Lanao del Sur

60

Nakahanda na ang Commission on Elections para sa idaraos na special elections sa tubaran, lanao del sur.

Pagtitiyak ni Comelec Commissioner George Garcia, under control na ang sitwasyon sa 12 barangay sa naturang bayan.

Patuloy aniya ang pagbabantay ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG).


Bukas, gaganapin ang special elections sa mga barangay ng Baguiangun, Datumanong, Gadongan, Guiarong, Metadicop, Malaganding, Mindamunag, Pagalamatan, Paigoday-Pimbataan, Riantaran, Tangcal At Wago.

Dagdag pa ni Garcia, mayroon silang nakahandang contingency paraphernalia kagaya ng Vote Counting Machines sakali namang magka-aberya sa botohan.

Samantala, magsisilbing special election Board of Electors ang mga tauhan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao police.



Facebook Comments