Wednesday, September 2, 2026

CHR, hindi na magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa nawawalang pondo ng mga PDL sa CIW

Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi na kinakailangang magdaos pa ng hiwalay na imbestigasyon ukol sa umano’y nawawalang pondo ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Correctional Institution for Women (CIW).

Ayon kay Atty. Kathleen Kindipan ng CHR-NCR, ito ay dahil gumawa na ng mabilis at nararapat na aksyon ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nilinaw ng CHR na walang pormal na reklamong naisampa sa kanilang tanggapan maliban sa mga anonymous report.

Binigyang-diin ng ahensya na walang napatunayang human rights violation dahil agad na inimbestigahan ng BuCor ang usapin at inilagay na sa floating status ang mga sangkot na opisyal at tauhan upang hindi maimpluwensyahan ang pagsusuri.

Tiniyak naman ni BuCor Deputy Director General Asec. Al Perreras na bukod sa mga kasong administratibo, haharapin din ng mga mapapatunayang nagkasala ang mga kaukulang kasong kriminal kapag natapos na ang buong imbestigasyon.

Facebook Comments