Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamamaril at pagpatay sa radio broadcaster na si Cresenciano Aldovino Bunduquin sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City,
Agad ring nagsagawa ng independent motu propio investigation ang CHR Region 4-B sa pinakahuling insidente ng media killing.
Pinuri naman ng CHR ang pagtatag ng Oriental Mindoro Provincial Police Office ng Special Investigation Task Group para tugisin at papanagutin ang mga suspek sa pagpatay sa radio broadcaster.
Dagdag ng komisyon, panahon na para palakasin ang mga mekanismo para sa media safety and protection.
Binigyan diin ng CHR na ang karapatan sa impormasyon at katotohanan ay makakamit kung ang mga media practitioners ay malayang magampanan ang kanilang trabaho nang walang pangambang sila ay babalikan o gagawan ng kapinsalaang pisikal.