Termino ng Bangsamoro Transition Authority, pinalawig

Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang termino ng ilang opisyal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Ang BTA ang nagsisilbing pansamantalang lehislatura ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Nabatid na magtatapos sana ang mandato ng BTA noong June 30, 2022 pero nagtalaga si PBBM ng bagong hanay ng mga miyembro para sa pansamantalang parliamento noong Agosto 2022.

Sa 80 miyembro, 49 ang muling itinalaga mula sa naunang komposisyon, habang 31 ang mga bagong miyembro.

Ang ikalawang batch ng BTA ay nagsagawa ng inaugural session noong Setyembre 15, 2022, at magpapatuloy sa kanilang tungkulin hanggang sa unang regular na halalan ng BARMM na nakatakda sa 2025.

Sa listahan ng PCO, kasama sa nare-appoint si Mohagger Mohammad Iqbal na una nang naging Minister of Basic, Higher and Technical Education ng BARMM at chief negotiator ng MILF.

Facebook Comments