CICC, itinangging madaling dayain ang election result

Pinabulaanan ng Cyber-crime Investigation and Coordinating Center o CICC ang mga maling paniniwala na maaring mabago ang resulta ng eleksyon ngayong Mayo 2025.

Kaugnay ito ng reklamong isinampa ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa isang kandidato sa pagka-vice mayor sa Isabela, dahil sa social media post kung saan sinabe nito sa isang video na maaring manipulahin ang resulta ng eleksyon.

Ipinaliwanag ni CICC Executive Director Alexander Ramos na masyadong kumplikado ang sistemang gagamitin ngayong eleksyon sa Mayo 2025.


Mayroon tatlong layers of security para maprotektahan ang validity ng resulta ng eleksyon.

Una, naka-lock na ang machine at hindi na maaring baguhin ang systema pagkatapos nitong mai-program.

Ikalawa, ang transmission ay masyadong kumplikado at gugugol ng maraming oras para ito ay kumonekta sa kung saan-saan.

Ikatlo, ang layer of security ay ang consolidation server na nakaprograma lamang para makatanggap ng encrypted files kung saan ang mga encrypted files ay dumaan sa pitong layer ng security system at pingangalagaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang susi nito.

Hinimok ng CICC ang mga kandidato pati na rin ang publiko na i-report sa kanila ang sino mang mag-aalok na baguhin ang resulta ng eleksyon ngayong Mayo 2025.

Facebook Comments