CIDG ARMM nagsagawa ng operasyon sa South Upi

96

Naglunsad ng search warrant operation ang CIDG ARMM kasama ang ibat ibang unit ng PNP na kinabibilangan ng RID PRO ARMM, PIB Maguindanao, 1st Maneuver Platoon, Maguindanao PPSC na pinangunahan ni PSI ALLAN G SABDULA, sa bahagi ng South Upi Maguindanao kahapon resulta sa pagkakakumpiska ng mga pasabog at baril.

Sa report , target ng kapulisan base na rin sa SW na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim ng RTC 15 ang dalawang indibidwal na kinilalang sina RESALITO TRECERO at REY TRECERO ngunit di inabutan sa Brgy Romangaob .

Sa kabila nito bumulaga sa mga otoridad ang 5 Rounds ng Cal 40 HE, 1 unit ng f M79 tube, 5 units ng Hand Held Radio, 2 units of Battery for Hand Held Radio, 1 unit Cal 22 Rifle, at isang magazine ng Cal 22, at 5 live ammunitions ng Cal 22.

Iniimbetahan naman ng mga otoridad si JANETH TRECERO isa sa mga asawa sa target ng operation habang nagpapatuloy sa pagtugis ang mga ito sa dalawang nakatakas na target na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 o Illegal Possession of Explosive at RA 10591 o Comprehensive Laws on Firearms and Ammunition.

Facebook Comments