Friday, April 24, 2026

CAR AT MOTOR SHOW SA SAN CARLOS CITY, ITINURING NA PLATAPORMA PARASA CREATIVITY NG KABATAAN

Hindi lamang isang pagtitipon ng mga sasakyan ang Car and Motor Show na idinaos noong Abril 15, 2026 sa Open Grounds sa kahabaan ng Roxas Boulevard, San Carlos City, kundi nagsilbi rin itong espasyo para ipakita ang talento at pagkamalikhain ng mga lokal na enthusiasts.

Sa naturang aktibidad, itinampok ang mga customized na kotse at motorsiklo na sumasalamin sa husay ng mga lokal na mekaniko at hobbyists sa larangan ng automotive design at innovation. Bukod sa display, naging pagkakataon din ito upang mapalakas ang ugnayan ng mga miyembro ng motoring community sa lungsod.

Binigyang-diin ng mga organizer ang papel ng ganitong mga pagtitipon sa pagbibigay ng alternatibong libangan para sa kabataan, habang hinihikayat ang produktibong paggamit ng kanilang oras at interes sa teknikal at malikhaing gawain.

Isinagawa ang event sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at youth development office bilang bahagi ng adbokasiya na suportahan ang mga inisyatibong nakatuon sa kabataan, kultura, at lokal na industriya ng automotive. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments