
Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa patuloy na recruitment sa mga Pilipino bilang sundalo sa abroad.
Ayon sa BI, patuloy pa rin silang nakakapagtala ng mga insidente ng ganitong uri ng human
trafficking.
Pinakahuli rito ang kaso ng 52 toang gulang na lalaking Pilipino na naharang sa NAIA 3.
Ang biktima ay nagpanggap na turista pero sa pagtatanong ng immigration officer, lumabas na nirecruit pala siya bilang army reservist sa abroad.
Aniya, nirecruit siya online at pinangakuan ng sweldo na $2,500 kada buwan at bonus na $25,000.
Bukod anila, sunud-sunod na iba pang mga pasahero sa iba’t ibang airport ang naharang ng BI dahil sa katulad na kaso.
Facebook Comments










