Tuesday, April 28, 2026

2 pulis na sangkot sa illegal mining operation sa Misamis Oriental, sinibak sa pwesto

Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagsibak sa pwesto sa dalawang sangkot na pulis sa ilegal mining operation sa Misamis Oriental.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGEN. Randulf Tuaño, lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya ang nasabing mga pulis na naka-assigned sa Region 11 ay nagbibigay ng proteksyon para maibyahe ang mga mineral ores.

Dagdag pa ni Tuaño,pinamamadali rin ni PNP chief ang paghahain ng kriminal at administratibong kaso sa mga nasabing pulis at sa apat pang sibilyan.

Nabatid na naaresto ng mga operatiba ng PNP ang anim na indibidwal na kinabibilangan ng dalawang aktibong pulis na may ranggong police senior master sergeant at isang police staff sergeant sa isinagawang checkpoint operation sa Opol ,Misamis Oriental kahapon.

Kung saan ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakahuli sa isang sasakyan na may lamang mga hinihinalang mineral ores na walang kaukulang permit.

Narekober sa nasabing operasyon ang 58 sako ng umanoy unprocessed mineral ores na tinatayang nagkakahalaga ng P290,000.

Facebook Comments