CIDG, naaresto na ang suspek sa pagpatay sa 15 taong gulang na dalagita sa Bulacan

2365

Nadakip na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa 15-anyos na dalaga sa Bulacan.

Ayon kay CIDG Director Police PBGen. Ronald Lee, naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Pamplona, Camarines Sur kahapon ang suspek na si Gaspar Madredano Maneja Jr., Alyas Jose Francisco Santos.

Inaresto si Maneja sa bisa na rin ng warrant of arrest dahil sa kasong rape at paglabag sa 2 counts ng Anti-Child Abuse Law.


Noong Byernes, matatandaang natagpuang patay ang dalagitang biker sa madamong lugar sa kahabaan ng bypass road sa Barangay Bonga Menor, Bustos, Bulacan.

Kinilala itong si Princess Marie Dumantay na puno ng paso sa braso at may marka pa ng sakal.

Napaulat na nawawala ang biktima noong Agosto a-9 matapos itong umalis sa kanilang tahanan.



Facebook Comments