
Tatanggalin ng Senado ang nasa 295 na proyektong pang-imprastraktura na aabot sa P8.8 billion sa ilalim ng 2027 national budget.
Ito ay kasunod na rin ng ipinadalang liham ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na nagbunyag na 295 na infrastructure projects ang natuklasang “non-compliant” batay sa evaluation na isinagawa ng ahensya.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, buo ang commitment ng Senado sa pag-alis ng mga line items na walang sapat na batayan na dokumento kabilang ang kawalan ng kongkreto at mapapatunayang suportang teknikal upang matiyak na bawat item sa pinal na bersyon ay handa nang simulan.
Tiniyak ni Gatchalian na ang mga line items na ito ay hindi makatatanggap ng kahit isang piso ng pampublikong pondo.
Idiniin pa ng senador na malinaw ang mandato ng Senado na kung walang kaukulang dokumento ay wala itong pondo.
Mahalaga aniyang masigurong walang puwang ang pangaabuso sa kaban ng bayan lalo ngayon na mahina ang pag-usad ng ekonomiya.










