
Pinamamadali na ni House Committee on Agriculture and Food Chairman and Quezon Rep. Mark Enverga sa Department of Agriculture (DA) at sa Department of Budget and Management ang pag-release ng P14-Billion na pondo para sa nagpapatuloy na preparasyon sa Super El Niño.
Giit ni Enverga sa DA, bilisan pag-kumpleto sa mga requirements na hinihingi ng DBM para mailabas na ang nasabing pondo na balanse ng P61.99-billion na alokasyon para sa 2026 El Niño action plan.
Sabi ni Enverga, tiniyak ng DBM sa mga mambabatas na available ang nasabing pondo at agad mailalabas kapag nakumpleto na ng DA ang mga kailangang requirements.
Ayon kay Enverga, mahalagang magamit na ang nasabing salapi para pantulong sa sektor ng agrikultra, lalo na sa mga magsasaka na labis na apektado ng matinding tagtuyot.










