
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Chinese Premier Li Qiang at hindi si Chinese President Xi Jinping ang dadalo sa 49th ASEAN Summit na gaganapin sa Maynila ngayong buwan.
Ito ay matapos ipaabot ni DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro ang opisyal na imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginawang pakikipag-usap sa telepono kay Chinese Foreign Minister Wang Yi .
Subalit sa gitna ng diplomatikong talakayan, naging mainit din ang usapan nang isa-isahin ni Wang Yi ang mga Filipino politicians na umano’y patuloy na naninira, nagpapakalat ng malisyosong pahayag laban sa Beijing.
Sa kabila ng mga pahayag ng China, binigyang-diin ng DFA na nananatiling nakatuon ang Pilipinas sa maayos at responsableng diyalogo upang mapamahalaan ang mga sigalot habang matatag na pinoprotektahan ang soberanya at pambansang interes ng bansa.










