Wednesday, May 20, 2026

Comelec, muling hinihikayat ang publiko na magparehistro sa susunod na taon; paghahanda sa BSKE at BARMM Parliamentary, tuloy pa rin sa kabila ng mga inihahaing petisyon

Muling hinihikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na magparehistro para makaboto sa 2028 elections.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na muli nilang itatakda ang voters registration sa February 2027 na magtatagal hanggang September 2027.

Ayon kay Garcia, pagkakataon na ito ng mga hindi pa nakapagparehistro kung saan nais nilang dagdagan pa ang mga voters registration sites para mas mabilis at mailapit sa publiko.

Kaugnay nito, puspusan ang Comelec sa ginagawang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Nov. 2 gayundin sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa Nov. 14, 2026.

Dagdag ni Garcia, sakali naman makansela ang BSKE ay ipagpapatuloy pa rin nila o isasabay ang mga nais magparehistro para dito sa Feb. 2027.

Bagama’t aminadong kumplikado o gahol na sila sa oras, ipinaliwanag ni Garcia na kinakailangan pa rin nilang tumalima sa ipag-utos ng batas sakaling ipagpaliban ang BSKE kung saan handa naman daw ang mga COMELEC offices anuman ang maging pagbabago o magkaroon ng desisyon hinggil dito.

Facebook Comments