
Epektibo na ngayong araw ang dagdag sahod para sa mga kasambahay sa Zamboanga Peninsula.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), nasa P500 hanggang P1000 ang dagdag sa sahod ng mga domestic workers sa rehiyon.
Ibig sabihin, P6,000 na ang bagong minimum na buwanang sahod ng mga kasambahay na nasa chartered cities at first class municipalities sa rehiyon kabilang sa lalawigan ng Sulu.
Habang P5,500 naman mula sa dating P5,000 ang magiging sahod kada buwan ng mga kasambahay sa iba pang bayan.
Saklaw din nito ang mga lungsod ng Dapitan, Dipolog, Isabela, Pagadian, Zamboanga, mga lalawigan ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.
Facebook Comments










