Wednesday, May 20, 2026

Building maintenance and general services engineer ng Senado, inisyuhan ng subpoena ng CIDG

Inisyuhan ng subpoena ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang Senate Building Maintenance and General Services Engineer na si Daniel Esteban matapos ang nangyaring insidente sa Senado.

Ayon kay CIDG Director Robert Alexander Morico II, kaya inisyuhan ng subpoena ang nasabing indibidwal dahil hindi nito na-coordinate sa OSAA ang ginagawang securing sa loob ng GSIS kahit na ito ay may abiso na mula sa maintenance ng GSIS.

Nabatid na nagdulot ng pangamba sa mga media at mga tao sa Senado ang narinig na nagbabarena sa kabilang side ng GSIS .

Kung saan nauna nang nilinaw na kaya’t nagkaroon ng maitenance at pagse-secure sa lugar dahil may mga importanteng dokumento at mga paintings sa lugar ng GSIS na nagkakahalaga ng bilyong piso.

Binigyang-diin ni Morico na maiiwasan sana ito kung na-coordinate ng maayos ang nasabing Senate Building Maintenance and General Services Engineer ang nasabing gagawin sana ng GSIS.

Facebook Comments