Thursday, May 14, 2026

Halos 3 libong PNP personnel, idineploy sa House of Representatives at Senado; pagtaas ng deployment, dahil sa naging hinaing ni Sen. Sotto matapos kalampagin ang kanyang sasakyan

Nasa kabuuang 2,775 na mga personnel ang dineploy ng Philippine National Police (PNP) para tumiyak ng seguridad sa palibot ng House of Representatives at sa Senado.

Kung saan 1,416 na mga PNP personnel dito ay dineploy sa kahabaan ng Diokno Blvd. Pasay malapit sa Senado, 64 naman dito ay i-de-deploy sa House of Representatives, 259 sa iba pang area at 1,036 na mga Reactionary Standby Support Force .

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, kaya tumaas ang deployment ng mga kapulisan ay dahil na rin sa naging hinaing ni Senator Tito Sotto.

Nabatid na nagpahayag ng pagkadismaya ang nasabing Senador dahil sa dami ng nga pulis na nagbabantay sa harap ng Senado ay hindi man lang nila pinigilan ang pagkalampag at pagsaboy ng tubig ng mga supporters ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa sasakyan nito.

Patuloy naman ang ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente kung saan tinitingnan na rin kung mag lapses ang mga nasabing personnel na na-duty ng panahon na iyon.

Facebook Comments