Saturday, November 21, 2026

Serbisyo sa distrito ni Romualdez, magpapatuloy kahit ito ay suspendido

Tiniyak ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre na magpapatuloy ang serbisyo sa congressional district ni dating House Speaker at Leyte First District Rep. Ferdinand Martin Romualdez kahit ito ay suspendido sa loob ng 90-araw batay sa utos ng Sandiganbayan.

Saklaw ng distrito ni Romualdez ang Tacloban City at mga munisipalidad ng Palo, Tanauan, Tolosa, Santa Fe, Alangalang, Babatngon at San Miguel.

Sabi ni Acidre ang mga tauhan sa district office ni Romualdez ay patuloy na tumatanggap at tumutugon sa mga hiling na tulong para sa gastusin sa ospital, pagpapa-aral ng kanilang mga anak at iba pang pangangailangan.

Binanggit ni Acidre na mayroon na ding nailatag na sistema ang tanggapan ni Romauldez para sa mga request na kailangang idulog agad sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno.

Ipinunto ni Acidre na anuman ang hamon na kinakaharap ngayon ni Romualdez ay hindi makakaapekto sa pagtugon nito sa hiling na tulong ng kaniyang mga kababayan.

Facebook Comments