
Itinuturing ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc na tagumpay ang kawalan ng “pirmahan” kaugnay sa Pax Silica framework agreement sa pagbisita ni United States President Donald Trump.
Diin nina Representatives Antonio Tinio, Sarah Elago at Renee Co, ito ay bunga kaliwa’t kanang kilos protesta na ikinasa laban sa Pax Silica.
Naniniwala rin ang Makabayan Bloc na itutuloy nina President Trump at Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kasunduan, sa sandaling ito ay hindi na masyadong napapansin ng publiko.
Kaya panawagan nina Representatives Tinio, Elago at Co sa mamamayang Pilipino, manatiling mapagmatyag, magpalaks at ipagpatuloy ang mga kampanya laban sa Pax Silica.
Facebook Comments










