COMELEC, tigil muna sa paglalabas ng pangalan ng mga kandidatong naghain ng SOCE

77

Ititigil muna ng Commission on Elections (COMELEC) sa paglalabas ng listahan ng mga kandidato at party-list groups na naghahain ng kanilang SOCE o listahan ng kanilang tinanggap na donasyon at naging gastusin sa nakalipas na halalan.

Ito ay matapos magdesisyon si Director James Jimenez ng Education and Information Department na idulog muna sa COMELEC En Banc ang paglalabas ng naturang listahan.

Bukas, June 8 ang deadline ng paghahain ng SOCE ng mga tumakbo sa nakalipas na halalan.


Karamihan sa mga hindi pa nakakapagsumite ng SOCE ang ilang tumakbo sa pagka-senador at party-list groups.

Facebook Comments