Friday, August 7, 2026

Malacañang, umapela sa senator-judges na huwag kumilos na parang abogado ng depensa

Screenshot from Senate of the Philippines/YouTube

Nanawagan ang Malacañang sa mga senator-judges na maging patas at ibatay lamang sa batas at ebidensya ang pagdinig sa impeachment trial.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat kumilos na parang abogado ng depensa ang mga senator-judges.

Ang tungkulin aniya nila ay magtanong lamang para sa paglilinaw at pagtukoy sa katotohanan.

Hindi pinangalanan ni Castro ang mga senador na tinutukoy, ngunit sinabi makikita aniya ito sa naging takbo ng pagdinig.

Iginiit din ng Malacañang na hindi dapat sa mga mababang opisyal lamang ibinabaling ang pananagutan, kundi pati sa pinuno ng ahensya.

Ang pahayag ay kasunod ng naging mainit na palitan nina Senator-judge Imee Marcos at dating COA State Auditor Roderick Wamil sa impeachment trial, matapos kuwestiyunin kung bakit si Vice President Sara Duterte ang itinuturing na accountable officer sa halip na ang mga special disbursement officers.

Facebook Comments