
Binigyang pugay ng Quezon City Local Government Unit ang World No. 20 at residente ng lungsod na si Alex Eala, matapos masungkit ang kanyang kauna-unahang Women’s Tennis Association o WTA 500-level title sa Mubadala DC Open 2026 sa Washington, D.C., USA.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Quezon, isang karangalan umano, hindi lamang sa lungsod kundi sa buong bansa, ang panibagong tagumpay ni Eala.
Si Eala ay ipinanganak noong 2005 sa Quezon City at nilisan lang umano ang Pilipinas sa edad na trese para magsanay sa Rafa Nadal Academy sa Mallorca, Spain, na naging simula ng kanyang pag-angat sa pandaigdigang larangan ng tennis.
Samantala, tiniyak naman ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang buong suporta sa mga susunod na laban ni Eala.
Facebook Comments










